|
|
Author |
Message |
annie batungbakal Guest
|
Posted: Mon Feb 07, 2005 3:09 pm Post subject: re: sumpa |
|
|
Sumpa? ihalintulad ba sa "sumpa" ang ating bayan? tutoo na may mga bulok na sistema ang ating bansa, ngunit nais kong isipin na mayroong pang sulosyon dito. Pano nga ba dapat putulin ang UGAT? (Naku po, napakalalim niyan...naimagine ko ang inyong puno na kung kasing taas yan ng inyong kable ng kuryente malamang sa ganoon na din kahaba ang ugat?) At SINO ba ang dapat pumutol? PAANO? YAN ANG MAGANDANG TANONG!!!!  |
|
| Back to top |
|
 |
|
|
leoce
Joined: 12 Jan 2005 Posts: 23 Location: Philippines
|
Posted: Mon Feb 07, 2005 4:23 pm Post subject: |
|
|
hey mister pilosopotasyo
pls stop your nonsense, unrelated and destructive sentiments. you better post it on the right forum or much better to go out of the country and change your citizenship, if you are not qualified in other countries kill yourself and go out of this forum. much much better if you go to the concerned government office and protest your sentiments. |
|
| Back to top |
|
 |
Pilosopotasyo Guest
|
Posted: Tue Feb 08, 2005 3:13 am Post subject: |
|
|
Ah, Mr. Leoce...seems like you're affected by what you've read. I appreciate your concerns but what seems to be bothering you? Nevertheless, may God bless you.
Cheers,
Pilosopotasyo |
|
| Back to top |
|
 |
Pilosopotasyo Guest
|
Posted: Tue Feb 08, 2005 3:26 am Post subject: |
|
|
And btw, Mr. Leoce. Cool ka lang. Later on, makakabasa ka rin about working experiences abroad (on this same topic that I posted) which I will post soon (including with that of NZ) - which I'm sure will finally interest you the most.
Apologies if this has confused you and not getting the big picture yet.
With best wishes,
Pilosopotasyo |
|
| Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Wed Feb 09, 2005 4:47 pm Post subject: |
|
|
to pilosopotasyo
sorry i was not affected by ur sentiments, cause its not true. my concern is the owner and other user of this service, the forum covers only topics which interest the user and related to the issue, non of ur critisism influence me or anybody in this forum. pls. read the above forum and know what other user's view about ur words.
for ur info, ur country is not the only country where corruption are very ramphant, u better try living in other poor countries and compare the difference.
theres a saying "if you cant say any good things, say nothing at all" |
|
| Back to top |
|
 |
Mer Guest
|
Posted: Thu Feb 10, 2005 2:59 am Post subject: |
|
|
MABUHAY PO!
I am a Filipino and currently based in Singapore working as an IT Consultant. I was surfing the net and looking for infos about living in other countries like New Zealand and found several sites including this one. It’s really generous for the owner of this site to come up with this idea and post it on the web to share for everyone. I find the infos here to be really informative and helpful. Thanks to the owner of this site and to those who are contributing infos here as well!
The company I’m working for is into sponsoring my PR later this year but I still don’t want to jump into conclusions unless I’m really sure about my decision. So I got into the interest of searching about Canada, NZ, etc. And obviously found myself writing on this forum.
I never had the taste of reading articles written in a very long format especially on forums which do not interest me the most. And one, I noticed, was kinda off-topic probably because of the title and the content. But since some are already commenting, I was dragged into reading P’tasyo’s writings – the whole of them, as of now - so I can understand why.
Although I may not agree with some of P’tasyo’s thoughts, some are making sense to me now. Like for example, about “respect to others”. Forgive me, this is not to offend anyone, there are already off-topics written under this forum and some comments kinda off-line under the title of the topic. But this is a forum, public exchange of ideas, and thanks to the owner of this site for this free privilege. In fairness, kung ire-request po natin na pahintuin ang iba pang kabayan, dapat irequest din po natin yung ibang nationalities na nagpo-post dito na tumigil sa pagsulat ng off-topics/off-comments. Pero yung owner lang po ng site na ito who has the power to delete for now. At kung sino mang kabayan ang magiging moderator dito na may capabilities to delete/merge in the future, paalala lang po, may ibang nationalities po ang nagpo-post dito at pagna-delete ay hacker pala at napikon, kaya po nilang i-hack kahit kaninong computer – this is the internet world. If you don’t like it, don’t read it.
Another interesting article I found --> http://www.ateneocord.org/PAWP%20Articles/Why%20Filipinos%20Work%20Abroad%20July%202004.doc Probably, this is just one part of the big picture why we Filipinos want to go abroad.
Thanks to all kabayans who are contributing infos here, wish you all the best! And still proud to be Pinoy! And sorry po for my very long write-up.
P.S. No offense, but I’m not sure if leoce is the same person who advised on AERO’s post to "Delight thyself unto the Lord and he will give thee the desires of thine heart" and then advised P’tasyo “if you are not qualified in other countries kill yourself and go out of this forum”.  |
|
| Back to top |
|
 |
avidreader Guest
|
Posted: Thu Feb 10, 2005 11:31 am Post subject: |
|
|
same here...
1. i agree with Mer
2. i partly agree with Pilosopong tasyo
3. i totally disagree with Leoce
reality bites, mates! |
|
| Back to top |
|
 |
Pilosopotasyo Guest
|
Posted: Sun Feb 20, 2005 8:14 pm Post subject: |
|
|
THIS IS THE LAST PART
Marso 2005
Gaya ng una kong suhestiyon, “to simply read on…up to the last Part of this write up – because if you do, you will not judge the book by its cover” - ito na marahil ang huling parte ng aking panulat para sa “topic” ng “forum” na ito.
Salamat sa may-ari ng “website” na ito dahil mayroon siyang “libreng” forum na ibinahagi para sa lahat – Pilipino ka man o hindi. “And it’s serving its purpose – God bless you, Garry!” Kung mapapansin natin, hindi lang naman tungkol sa “working” ang “forum” dito – may iba pang “forums” na may iba’t ibang “topics” ang na-“post” dito para sa kaalaman ng lahat.
Ano ngayon ang katuturan ng “Hanep-buhay”, “Ang Kalaban” at “Sam-pa” sa “forum” na ito bilang Pinoy? Kung hindi pa natin nababasa, nakikiusap akong basahin muna natin…simula sa UMPISA. Sa “title” pa lang nitong “website”: “Backpack New Zealand”, hindi ba nasagi sa isip natin na ang kahulugan nito’y mga DAPAT nating “bitbitin” kapag pupunta tayo sa New Zealand? Para lalong maging malinaw, ipapaliwanag ko…
Hindi na pwedeng itago pa sa buong mundo kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng ating bayan – sa Internet lang, marami na tayong mababasa. Magugulat ka pa, kapag nasa labas ka ng Pilipinas, may mga balitang Pinoy pa nga na nalalathala sa mga diyaryo nila na hindi mo makikita sa mga diyaryo natin. Dahil dito, hindi natin maiiwasan na maging “branded” tayo, bilang Pinoy, kapag napunta tayo sa ibang bansa – marami nang kababayan ang nakaranas ng ganito….at isa ako roon. Dahil “teritoryo” nila ang lugar na pupuntahan natin at tayo’y bagong salta lang, hindi natin pwedeng ipagmayabang na kesyo “graduate” tayo sa isang kilalang eskwelahan sa Pilipinas at may “masters” o “doctorate” pa tayong bitbit. Hindi man nila sabihin sa atin, ‘yung “pinanggalingan” natin ang una nilang titingnan. Meron silang “pamantayan” kaya kabilang sila sa listahan ng mga “top-notch countries” – dahil dito, may “say” sila. Hindi ko sinasabing lahat ay ganito pero dapat maintindihan din natin na hindi lahat ng tao ay may malawak na pang-unawa. Kaya kung bagong salta ka sa lugar nila, “hindi uubra” ang maging MAYABANG kung ikaw ang tipong MAHANGIN.
Kasama sa pamantayan nila ang DISIPLINA at pagiging RESPONSIBLE SA KAPALIGIRAN. Kung “first time” mong mangibang bansa at ang pupuntahan mo ay isa sa mga bansang kabilang sa “top-notch countries”, baka ma-“culture shock” ka. Dahil ang disiplina at pagiging responsible sa kapaligiran ay parte na ng kanilang buhay – sa kanila, “it’s a way of life”. Bukod sa ALAM nila na ang basura ay tinatapon sa basurahan, GINAGAWA rin nila ang pagtapon ng basura sa basurahan at hindi sa kung saan lang. Bukod sa ALAM nila ang batas trapiko, GINAGAWA rin nila ang pagsunod dito.
“HONESTY, INTEGRITY, and INCORRUPTIBILITY are also ‘a way of life’.” Hindi uso ang “lagay” sa kanila. Subukan mong “sumuhol” o “gumawa ng ilegal” at asahan mong huhulihin ka ng awtoridad nila. Sa kanila, ang “batas ng bayan” ay nasusunod kaya asahan mo ring alam din nila ang mga “kalokohan ng Pinoy”. Gaya ng na-“post” ni AERO, ang New Zealand ay kabilang sa “top 3 cleanest/least corrupt country in the world” – hindi na kailangang palawigin pa kung bakit.
Sanay ka bang magsabi ng “Good Morning!”, “Good Evening!”, “Hi!”, “Hello!”, “How are you?”, “Thanks!”, “Cheers, mate!”, “Good day!”, “Excuse me”, “I’m sorry”, “Apologies” sa isang “total stranger” - kahit ano pa ang “kulay ng balat niya”? Of course, kung sa “service” or “hospitality” ang trabaho mo, sanay ka dahil trabaho mo ito pero ang punto ko rito ay ‘yung “way of life as a common tao”. Sa mga katagang nabanggit ko, malalaman natin ang “isa” sa mga sangkap ng pagiging MAGALANG SA KAHIT NA SINO – maihahalintulad sa pagkakaroon ng RESPETO SA KAPWA TAO. Maaaring “wala sa puso” ang pagbati o pagsabi pero malaki ang kaibahan kaysa na-“snub” ka, o ang masama…alipustahin ka, hindi ba? Kung ang mga laking “kiwi” ang pag-uusapan – likas sa kanila ang pagiging “friendly” SA KAHIT NA SINO.
HINDI sila ang tipong MAHILIG MAGSIRAAN o PUMUNA NG WALANG KATUTURAN. Mismong sa pamamalakad ng kanilang gobyerno, “they always think of better ways to improve”. “They always practice long-term planning”. Kaya dahilan ito kung bakit marami sa kanila ay DE-KALEDAD KUNG MAGTRABAHO. Ang mga suhestiyon at mungkahi ay isa-isa nilang inilalatag at lahat ay pinakikinggan. Kaya hindi rin uso sa kanila ang PERSONALAN.
Isa marahil sa mga dahilan ng pagpunta mo sa New Zealand ay magtrabaho. Kung ito nga ang pakay mo, hayaan mong mabasa muna ito: http://www.ofwguide.com/article_item.php?articleid=122
Palalawigin ko hangga’t maaari ang isa sa mga talata na isinulat dito:
“Even though opportunities are knocking on the doors, OFWs must continually rehash their skills to be globally competitive. This is a must since China and other Asian countries have set its eyes on competing with the Filipinos in being a top choice on the labor market.”
“KALABAN” ba ang dating? Ang punto rito ay HINDI “makipag-away” kundi ang maging “COMPETITIVE”. Maaaring “well-trained” o “updated” tayo sa “technical skills” na angkop sa propesyon natin (AT kasama rito ang “galing” natin sa “oral and written English”) pero, HINDI nagtatapos ang usapan dito para maging “competitive” tayo bilang OFW. Maaaring mas “magaling” pa nga, sa “technical skills”, ang mga ibang lahing “kakumpitensya” natin sa paghahanap ng trabaho. Pero ano ang magiging “KAIBAHAN” natin sa kanila? Saan tayo “ANGAT” kaysa sa kanila? Hindi ba pwedeng ipasok dito ang mga DAPAT na ugali nating Pinoy na nabanggit ko sa itaas?
Hindi ba nasagi sa isip natin na kung magsisimulang “tumaas” ang tingin “nila” sa atin, makakatulong ito para hindi tayo mahirapang maghanap ng trabaho sa ibang bansa AT magiging kapantay natin ang sweldo at posisyon ng kakumpitensyang “European”? “In a bigger picture”, hindi ba nasagi sa isip natin na kung magsisimulang “tumaas” ang tingin “nila” sa atin, sila mismo ang magkukumahog mag-“invest” ng kanilang “matitinong business” sa ating mahal na bayan at maraming kababayan na walang trabaho ngayon ang magkakaroon ng trabaho? Hindi ba katulad ito ng nabanggit kong “Domino Effect”?
Huwag nating dalhin ang “bulok na sistema” na ating kinamulatan kung tayo ay pupunta sa ibang bansa tulad ng New Zealand. Dahil ang “bulok na sistema” ay nasa TAO - ikaw at ako. Ang gobyerno ay “salamin” ng mga taong nasasakupan nito. Ang “bulok na sistema” ay iyong mga “sakit” nating Pilipino, na ayaw man nating marinig, pero ito ang TOTOO.
“John 8:32 says, Then you will know the truth, and the truth will set you free.”
“John 8:36 says, So if the Son sets you free, you will be free indeed.”
HANGGA’T HINDI TAYO NAMUMULAT, HINDI NATIN MAKIKITA.
Kamulatan at Kamalayan para sa Katotohanan – ito ang bagong “KKK” na “isa” sa mga bitbit ko. Pilipino ako - “Namulat” ako at lumaki sa isang bansang may mga “sakit” na malalalim na ang mga UGAT. “Nagkamalay” ako ng makapunta ako sa mga bansang ngayo’y “maunlad” na pero dati-rati’y mas “masahol” pa sa kalagayan ng Pilipinas. Nalaman ko ang “katotohanan” na kung kaya nilang magbago, siguradong kaya ko rin. KUNG KAYA NILANG MAGBAGO, SIGURADONG KAYA RIN NATIN.
Malinaw na ba?
Naranasan kong makatrabaho ang isang Indiano sa Middle East at nang pairalin ko ang “spirit of teamwork”, nakatapos kami ng “projects” na “on-time and on-budget”.
Naranasan kong makatrabaho ang isang Intsik sa Hong Kong at nang pairalin ko ang respeto at pang-unawa kahit na wala siyang “ethics”, natuto siyang maging mahinahon.
Naranasan kong makatrabaho ang isang Muslim sa Singapore at pagkatapos ng madalas kong pagtulong at pagsabi sa kanya ng “if you need help, let me know”, nakipag-“exchange gift” siya noong isang pasko.
Naranasan kong makatrabaho ang isang Amerikano at nang pairalin ko ang paggawa ng mas mabuti at tama kahit siya ay arogante, nai-“broadcast” pa niya ang mga katagang “job well done”.
Naranasan kong magtrabaho sa Oz at pagkatapos kong humanga sa linis at ganda kahit saang lugar ako pumunta, natuto akong itabi muna ang “tissue” (na ginamit ko sa pagsinga) sa aking bulsa hangga’t hindi ako nakakakita ng tamang basurahan para itapon ito.
Naranasan kong makatrabaho ang isang Ingles na sinabihan akong “you’re a donut” ilang araw pa lang ang nakakalipas nang magsimula akong magtrabaho sa kanilang kumpanya at pagkatapos ng ilang buwan, mga kalahi rin niyang Ingles ang nag-“broadcast” ng mga katagang “you’re a champion”.
Naranasan kong maglingkod sa mga kumpanyang banyaga at pagkatapos ng ilang buwan, na-“increase” nila agad ang sweldo ko at ang iba nama’y na-“promote” ako, hindi dahil sa “request” o pakiusap ko kundi dahil sa “excellence in performance”.
Marami nang kababayan natin ang nakaranas na ng tulad nito – hindi lang ako. At ako nama’y nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang dulot ng mga karanasan kong ito – “To Him be the glory!”
Salamat sa mga komento nina Guest at AziaNxpaT – ang na-“post” ko rito “has served its purpose and will continue to serve its purpose.”
Salamat sa mga komento nina JAP, sabariab at snooze – karapatan natin ang magbigay ng suhestiyon dahil ito ay “forum” at hangga’t sumusunod tayo sa mga patakaran ng “forum” na ito: “not to post any abusive, obscene, vulgar, slanderous, hateful, threatening, sexually-oriented or any other material that may violate any applicable laws.”
Salamat sa mga komento ni leoce – “God loves you leoce, and He has a wonderful plan for you.”
Salamat sa mga komento ni anniebatungbakal, Mer at avidreader – “Psalm 111: 10 says, The fear of the LORD is the beginning of wisdom; all who follow His precepts have good understanding. To Him belongs eternal praise.”
Marahil, marami pa akong hindi nai-“share” sa inyo dahil base ang mga naisulat ko dito sa aking “working experiences”. Wala pa yung ibang “experiences” ng mga kababayan nating “migrants”, OFWs at pati na ng mga kababayan nating nasa Pilipinas mismo na nagsusumikap maging “maunlad” ang kanilang mga buhay.
Kapag namulat ka na, saka mo lang malalaman…at mararanasan.
Dahil sa Kanyang awa at biyaya, namulat ako sa kamalayan na ang TUNAY kong BOSS ay ‘yung Hudyong Karpintero na nagpamalas ng TUNAY na halimbawa kung paano magtrabaho – halimbawang “bitbit” ko sa aking puso, kahit saan mang lupalop ng mundo ako mapunta.
John 8:12 says, When Jesus spoke again to the people, He said, “I am the light of the world. Whoever follows me will never walk in darkness, but will have the light of life.” |
|
| Back to top |
|
 |
malou
Joined: 23 Dec 2004 Posts: 62
|
Posted: Sun Feb 20, 2005 11:27 pm Post subject: |
|
|
MARAMING SALAMAT, PILOSOPOTASYO!
IMINULAT MO ANG DIWA KONG SALAT SA KAALAMAN.
UMASA KANG BABAUNIN KO SA AKING PANGINGIBANG BAYAN ANG IYONG MGA GININTUANG ARAL.
MABUHAY KA! _________________ Do not say to your neighbor,
"Go, and come back,
And tomorrow I will give it,"
When you have it with you. (Proverbs 3:2 |
|
| Back to top |
|
 |
b1co1
Joined: 28 Apr 2005 Posts: 2
|
Posted: Thu Apr 28, 2005 2:01 pm Post subject: para sa kabayan natin sa NZ |
|
|
Kabayan.
Good day!!!! ang Rate for Today (28 April.) 37.931 pesos a 1 NZ$
Our reliable remittance service reach your love ones fast and
efficiently so you're never really far away.
The Philippines' fastest and most efficient means of delivering incoming remittances!
Equitable PCI Bank's Express Padala is the Philippines’ fastest and
most efficient means of delivering incoming remittances to beneficiaries,
particularly from overseas Filipino workers (OFWs).
It involves a telegraphic transfer from any Express Padala overseas office or
correspondent bank. the pioneer in the remittance business
(existing for more than 20 years) the bank with one of the largest remittance network,
with 27 international offices and a network of more than 300 remittance
correspondent banks, remittance tie-ups and agents worldwide
Service Fee:
NZ$ 10 flat rate for Metro Manila sites
NZ$ 15 flat rate for provincial sites
For more information on our fast and reliable remittance service,
contact 544-0372 or 0508 PADALA if you are out side Tauranga
e-mail us; moneyexpress@slingshot.co.nz
Salamat po, |
|
| Back to top |
|
 |
jhsay
Joined: 18 Mar 2005 Posts: 28
|
Posted: Thu Apr 28, 2005 2:47 pm Post subject: |
|
|
TIP PARA UMUNLAD ANG ATING BAYAN. Let's follow rules, regulations and protocols.
This space on the net is for NZ Backpackers - Immigration & Working. I hope we only make posts related this topic. Nakakahiya naman sa may-ari ng site. Di talaga tayo uunlad kung sa ganito lang di tayo makasunod.
peace..... |
|
| Back to top |
|
 |
cil
Joined: 16 Apr 2005 Posts: 15
|
Posted: Fri Apr 29, 2005 10:27 pm Post subject: |
|
|
hello pilosopotasyo,
mukhang malalim ang iyong mga kataga, sa totoo lang mulat na rin ang kaisipan ko sa iyong naibahagi. masakit man pero iyon kc ang nangyayari sating bansa kaya siguro naibulalas mo ang mga bagay na ito, pero i'm still hoping pa rin naman na nawa ay mabago ang sistema ng ating bansa, importante ay God-fearing leaders talaga. At ito pa ang masasabi ko wherever we are, New Zealand, Canada Philippines, etc. put God first in everything we do, saka sana walang awayan sa forum na ito, hehehe! peace .........
pero alam nyo po ba, nagsearch ako sa internet, salamat naman wala ang Philippines sa Top 20 poorest countries, correct me na lang if i'm wrong pero iyan po ang na search ko.
pasencya na po sa may ari ng forum na ito at sa ibang nakakabasa, ini-express ko lang po ang aking damdamin.
Mabuhay tayong mga Filipino!!!
IN GOD WE TRUST |
|
| Back to top |
|
 |
gelosoft
Joined: 25 Sep 2005 Posts: 11
|
Posted: Sun Nov 13, 2005 10:16 pm Post subject: |
|
|
| Hi! tasyo, isa akong OFW, nabasa ko yong mga sinabi mo tungkol sa bayan natin, totoo lahat yon yong mga pangit na sinabi pero kalimutan mo na yon di mo na mababago yon, mabago man matagal pa. Like me OFW, ang tanging naiaambag ko sa bayan natin ay yong mga Philippine Products dito na nabibili ko lalo na yong mga basic commodities syempre mabilis maubos yan like patis,toyo,suka,sabon,tooth paste,sinigang mix ect. so kong lahat ng OFW sa buong mundo ay gumagamit na gawa sa pinas, ang laking maitutulong yan sa ating economiya ng bansa lalo na sa iyo tasyo kasi nasa pinas ka. Let say lahat ng Pinoy na OFW sa buong mundo gumagamit ng patis na gawa sa pinas eh di patis palang yon kumita na ang bansa na atin sa mga OFW. Dapat tasyo magisip-isip ka kong papaano ka makakatulong sa bansa natin di puros negative na lang. kaya kayo mga OFW tulad ko buy philippine product out there kasi sino pa ang makikinabang sa kinikita mo kondi ang kapwa mo pilipino na nasa pilipinas di dapat ang iba ang makinabang nito at isa pa di naman tayo natalo pag bumili ng philippine product kasi ginagamit naman natin eto sa ating personal na pangangailangan. salamat sa inyo.. |
|
| Back to top |
|
 |
|
|
You cannot post new topics in this forum You cannot reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|